Matagumpay na naisagawa ang pamamahagi ng mga production inputs at facility support sa mga miyembro ng Farmers Association mula sa iba’t ibang barangay sa San Carlos City sa ilalim ng programang pang-agrikultura ng Lokal na Pamahalaan.
May kabuuang 1,000 magsasaka ang pinagkalooban ng battery-operated knapsack sprayers upang mapahusay ang kanilang mga gawaing pansakahan at mabawasan ang pag-aaksaya ng mga kemikal na ginagamit sa kanilang mga pananim.
Samantala, humigit-kumulang 3,000 benepisyaryo naman ang tumanggap ng assorted vegetable seeds at foliar fertilizer bilang dagdag-suporta sa pagpapataas ng produksyon ng kanilang mga pananim.
Bahagi ang programa sa layuning makatulong upang mapataas ang ani ng mga magsasaka, maisulong ang mas episyenteng paggamit ng mga agricultural inputs, at mapangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga nagtatrabaho sa sektor ng agrikultura. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








