Ito ay matapos ang isinagawang assessment ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP), katuwang ang Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) at iba pang ahensya.
Sa isinagawang validation, sinuri ang mga dokumento at ulat ng mga barangay kaugnay ng anti-drug programs, aktibidad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC), at pagpapatupad ng mga hakbang laban sa ilegal na droga.
Nagsagawa rin ng beripikasyon kung naaayon ang mga ito sa itinakdang drug-clearing standards.
Ayon sa assessment, sa kasalukuyan ay tumutugon at sumusunod ang mga barangay sa mga kinakailangang pamantayan sa ilalim ng drug-clearing guidelines.
Samantala, kasabay ng validation ay isinagawa rin ang Drug Abuse Preventive Education (DAPE) at Adbokasiya Laban sa Ilegal na Droga (ALAB), kung saan tinalakay ang Republic Act No. 9165 at mga programang pang-iwas sa paggamit ng ilegal na droga. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






