
Pag-aaralan ng minorya sa Senado kung may paglabag sa ginawang hindi pagdalo sa sesyon ng mga myembro ng majority bloc.
Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, nakatitiyak siya na mayroong violation sa rules ang mayorya matapos ang hindi pagpasok sa sesyon.
Hindi aniya maaaring basta-basta na lamang kanaselahin ang sesyon nang walang abiso sa majority at minority.
Iginiit ni Gatchalian sa mayorya na magtrabaho na sila sa Senado at dapat mamaya ay mayroong quorum at nariyan ang presiding officer para buksan ang sesyon.
Sinabi naman ni Senator Migz Zubiri na sa 14 na taon niya sa Mataas na Kapulungan, ngayon lang niya nasaksihan na hindi sumipot ng sesyon ang presiding officer.
Tiniyak naman ng mga senador sa mayorya na kumpleto ulit silang papasok sa sesyon mamayang hapon.










