Saturday, May 2, 2026

Operasyon ng pampasaherong jeep na nasangkot sa road crash sa kapwa nito jeep sa Cebu City , sinuspende ng LTFRB

Sinuspende ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30 araw ang operasyon ng isang pampasaherong jeep na nasangkot sa road crash sa kapwa nito jeep na nagresulta sa pagkakasugat ng hindi bababa sa 18 mga pasahero sa Cebu City, kahapon.

Sa CCTV footage na nag-viral , makikita ang isang pampasaherong jeep na binabagtas ang intersection ng Jakosalem at Gullas streets sa Cebu City nang ito ay mabangga ng isang maliit na pampasaherong jeep na nagresulta sa pagkakatumba nito.

Batay sa paunang imbestigasyon, lumalabas na may kapabayaan ang driver ng nasabing jeep dahil pinilit nitong tumawid sa intersection kahit na red light pa.

Sa show cause order na nilagdaan ni LTFRB Regional Director Abosamen Matuan, ang operator ng jeep na natumba ay inatasang magpaliwanag sa pamamagitan ng sulat kung bakit hindi dapat suspendihin ang Certificate of Public Conveyance nito.

Kung saan inatasan din ang operator na ipresenta ang lisensya ng driver na nasangkot sa aksidente pati na ang plaka ng jeep.

Nakatakda naman ang pagdinig sa May 18.

Samantala, tiniyak naman ng LTFRB ang agarang pagproseso ng insurance claims para sa mga pasaherong nasugatan.

Facebook Comments