Nagpakawala ang San Roque Dam ng tubig mula sa isang gate ng low level outlet nito.
Binuksan ng National Power Corporation (NPC) San Roque Dam Office ang isang gate ng Low Level Outlet (LLO) alas-5:00 ng hapon noong August 26, na may tinatayang discharge na 150 cubic meters o 150,000 litro ng tubig kada segundo.
Umabot naman sa 275.45 meters above sea level (MASL) ang water level ng dam dahil sa patuloy na epekto ng Habagat sa watershed.
Samantala, sarado naman ang lahat ng spillway gate ng nasabing dam.
Batay sa NPC, mahalaga ang patuloy na pagbabantay at paghahanda ng publiko upang maiwasan ang panganib sakaling tumaas ang lebel ng tubig sa mga ilog at mababang lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








