Naaresto ang isang 47-anyos na lalaki na kabilang sa Top 3 Most Wanted sa bayan ng Santa Maria, Pangasinan, dahil sa kasong homicide.
Ayon sa Santa Maria Police Station, naaresto ang lalaki dakong alas-9:50 ng umaga noong Oktubre 19 sa Barangay San Patricio, Santa Maria.
Kinilala ang lalaki bilang isang magsasaka at residente ng Barangay Caboluan sa nasabing bayan.
Matapos makapag pyansa, nakalaya na ang akusado laban sa kasong homicide. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











