Huli ang pitong katao dahil sa umano’y ilegal na pagsusugal sa bayan ng Manaoag, Pangasinan, noong Martes ng hapon, Oktubre 20.
Ayon sa Manaoag Police, dakong alas-3:05 ng hapon nang rumesponde ang mga pulis sa ulat ng ilegal na sugal at maaresto ang anim na babae at isang lalaki, na pawang residente ng nasabing bayan.
Nasamsam sa operasyon ang isang buong baraha at ₱1,527 na perang hinihinalang ginamit sa pustahan.
Dinala ang pitong suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Manaoag Police Station para sa kaukulang proseso dahil sa paglabag umano sa Presidential Decree 1602 na nagbabawal sa ilegal na pagsusugal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











