LALAKING WANTED SA KASONG SLANDER, ARESTADO SA SAN CARLOS CITY

Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong slander sa isinagawang Manhunt Charlie Operation sa Barangay Bugallon, San Carlos City, Pangasinan.

Isinagawa ang operasyon ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng Pangasinan Police Provincial Office at San Carlos City Police Station.

Batay sa ulat ng pulisya, inilabas ang warrant of arrest laban sa suspek noong Oktubre 19, 2026 dahil sa kasong slander, na may inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱36,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng San Carlos City Police Station ang naaresto para sa dokumentasyon at kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments