
Tumestigo si dating DPWH Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa bail hearing ng Sandiganbayan 3rd Division para sa kasong plunder laban kay dating House Speaker Martin Romualdez ngayong Martes, October 20.
Sa kaniyang testimonya, wala pa man ang proyekto o kontrata ay may mga contractors nang nagbibigay ng commitments kay Alcantara, mula sa sarili nilang mga bulsa, bilang “assurance” na sila ang makakakuha ng proyekto.
Ibig sabihin, dumadaan pa rin sa bidding ang mga proyekto, pero bago ito magsimula ay may panalo na o napag-usapan na ng coordinator ng mga contractors kung sino sa mga bidder ang aawardan ng kontrata.
Samantala, nabanggit rin ni Alcantara na ang una hanggang pangatlong paghahatid nya ng commitments para kay dating Congressman Elizaldy Co ay ginanap sa isang coffee Shop sa Shangri-La The Fort Manila Hotel sa Bonifacio Global City, na pinick-up ng umano’y mga tauhan ni Co na sina John Paul Estrada at Mark Tecsay.
Noong una ay nakalagay pa umano ang ₱20 million hanggang ₱30 million commitments sa mga “durabox” o plastic containers, na may nakadikit na “post it” ng halaga nito, pero nasisira ang hawakan ng durabox kapag binubuhat dahil sa bigat, kaya ni-request umano ni Estrada, isa sa dating Executive Assistant ni Co, na ilipat ito sa maleta.
Hindi pa naman umano alam ni Alcantata noon na may units si Co sa Horrison Homes, sa Taguig, at nadiskubre niya lang ito sa Senate Blue Ribbon Committee Hearing.
Samantala, naganap naman umano ang sunod na paghahatid ng commitments sa Valle Verde.
Dagdag pa rito, naglambing rin umano si Alcantara ng 2% discount sa 20% hanggang 25% commitments na natatanggap ni Co, at agad din itong pinagbigayan.










