SDO Isabela, Nagpatupad ng 2 Linggo na Academic Health Break

49
Cauayan City, Isabela- Nagpatupad na rin ng Academic Health Break sa lahat ng paaralan ang Schools Division Office ng Isabela simula ngayong araw, Enero 17-28, 2021.

Ito ay sa harap ng dumaraming kaso ng COVID-19 at paghandaan ang banta ng Omicron variant.

Batay sa inilabas na DepED Memorandum no.3 na may lagda ni Schools Division Office-Isabela OIC Dr. Madelyn Macalling, suspendido ang lahat ng klase at iba pang teaching-related activities sa gitna ng patuloy na pagtaas ng mga nagpositibo sa sakit.

Gayunman, upang maipagpatuloy ang School administrative at financial operations, oobserbahan pa rin ang 60% ng mga non-teaching personnel na mananatili sa mga tanggapan.

Samantala, ibinibigay naman sa pamunuan ng private schools ang desisyong sa pagpapatupad ng suspensyon sa klase ng K-12 program.

Hinimok naman ang mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak para maiwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

Facebook Comments