Friday, October 23, 2026

Huling rotation and resupply mission sa Ayungin Shoal, tagumpay na nakumpleto; nasabing misyon hindi kailangan ng pahintulot sa China —AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tagumpay na nakumpleto ang huling Rotation and Resupply Mission sa Ayungin Shoal ngayong linggo.

Nabatid na sinuspende ang nasabing RORE matapos na harangin ng China Coast Guard ang mga tauhan ng AFP noong September 24.

Sa panayam kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sinabi nito na hindi sila humingi ng permiso sa China para isagawa ang nasabing misyon.

Iba sa ipinamamalita ng China Coast Guard na nagsagawa sila ng confirmation checks at supervision sa operasyon ng mga Pilipino.

Ayon kay Trinidad, imbentong naratibo lamang ito ng China kagaya ng kanilang claim sa Batanes at hindi na dapat mabigla pa dahil baka nga ang planetang Pluto umano ay angkinin pa nila.

Facebook Comments