Wednesday, October 28, 2026

Mahigit P7.3-M na halaga hinihinalang marijuana kush, nasabat sa NAIA

Nasabat ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 ang mahigit pitong kilo ng hinihinalang marijuana kush na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P7 million.

Natagpuan ang mga iligal na droga sa tatlong hindi na-claim na maleta sa Arrival International Secondary Inspection Area noong Oktubre 26.

Nakatago ang mga ito sa mga aluminum package na may label na pagkain.

Nadiskubre ang kontrabando sa isinagawang X-ray screening, manual inspection, at K-9 inspection ng mga miyembro ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa pakikipagtulungan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon sa imbestigasyon, ang mga bagahe ay nakaugnay sa dalawang pasaherong dumating mula Bangkok, Thailand noong Setyembre 24.

Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga nakumpiskang hinihinalang ilegal na droga para sa kaukulang proseso.

Facebook Comments