Second booster shots sa Barangay Kaligayahan, dinadagsa na ng mga Senior Citizens at Immunocompromised individuals

25

Target ng Quezon City government na mabigyan ng second booster dose ang 500 senior citizens at Immunocompromised individuals sa ginaganap na vaccination sa barangay Kaligayahan, Quezon city.

Bukod sa mga senior citizens, may inilaan ding bakuna para sa mga kabataan may edad 12 hanggang 17 taong gulang at sa mga taong hindi nakapag paturok ng kanilang second dose vaccine.

Mula umaga, dinagsa na ng mga taong magpabakuna ang Kaligayahan vaccination site at nagtapos naman ito ng hapon.


Facebook Comments