Friday, August 7, 2026

Pagkalat ng mga kabaong sa ilang lungsod sa Metro Manila, pahiwatig ng galit ng ilang Pilipino sa pangha-harass ng China

Nanatiling palaisipan ang mga kabaong na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila kung saan wala pang tiyak na impormasyon kung sino ang nag-iwan ng mga ito at kung ano ang tunay nilang layunin.

Kaugnay nito, naniniwala ang grupong Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) at Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY) na ang mga kabaong ay sadyang iniwan bilang simbolo ng protesta,

Sa pahayag ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, malinaw ang ipinahihiwatig ng mga ito na napuno na ang maraming Pilipino sa mga panggigipit at pang-ha-harass ng China sa West Philippine Sea.

Ayon kay Goitia, hindi iisang pangyayari ang pinagmulan ng lumalalim na galit ng publiko kundi ang matagal na at hindi tamang hakbang ng China na paghamon sa soberanya ng Pilipinas.

Aniya, kung may sinisimbolo man ang mga kabaong, maaaring hudyat ito ng pagtatapos ng matagal na pagtitimpi ng sambayanan.

Matatandaan na una ng kinuwestiyon ni Goitia ang paraan ng pag-uulat ng mga media outlet na tila may pagkiling sa China.

Muli niyang iginiit na dapat manatiling matatag ang Pilipinas nang hindi isinusuko ang mga prinsipyong bumubuo sa isang demokratikong lipunan.

Facebook Comments