Security Screening Officer ng OTS, umani ng papuri matapos maisuli ang ₱40,000 cash na naiwan ng pasahero sa NAIA Terminal 4

Pinapurihan ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Usec. Ma. O Aplasca ang isang OTS Security Screening Officer (SSO) matapos na magsauli ng P40,000 na cash sa isang 73 taong gulang na pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 4.

Ayon kay Aplasca, habang nagsasagawa ng regular na screening si SSO Dian Mahinay natagpuan nito ang pera na hindi sinasadyang nahulog sa ilalim ng X-ray conveyor belt.

Agad na nakipag-ugnayan si Mahinay sa lost and found section ng MIAA upang ipanawagan sa may-ari ang naiwang cash.


Ang may-ari na 73-anyos na pasaherong si Andres Laforteza Gutierrez ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat kay SSO Mahinay sa kanyang katapatan at agarang aksyon.

Paliwanag pa ni Aplasca ang katapatan ni SSO Mahinay ay magsisilbing mabuting ehemplo sa ibang kawani ng Paliparan na gumawa ng kabutihan para sa pagbabalik ng mga naiwang gamit sa Security Screening Checkpoint sa NAIA.

Facebook Comments