PNP, kumpyansang susuko na ang iba pang sangkot sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid dahil sa pressure sa manhunt operations

Tiwala ang Philippine National Police (PNP) na mapapasakamay rin nila ang iba pang suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., hindi titigil ang kapulisan hangga’t hindi nahuhuli ang mga ito.

Aniya, lilikha ng pressure ang isinasagawang manhunt operations ng PNP na magreresulta sa pagsuko ng mga suspek.


Sa ngayon, ani Azurin, magkatuwang ang National Support Unit at Special Investigation Task Group-Lapid maging ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagtugis sa 3 pang suspek na itinuro ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.

Kabilang dito ang magkapatid na Edmon at Israel Dimaculangan at isang alyas Orly.

Facebook Comments