
Umabot sa halos isandaang milyong piso ang halaga ng nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) mula sa kanilang mga public auction ngayong 2026.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, bahagi ito ng kanilang transparency at paglikom ng pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan.
Kabilang sa matagumpay na naipasubasta ang isang Rolls Royce Phantom na nagkakahalaga ng mahigit P25 million.
Patuloy aniya silang nagsusumikap na mapalakas ang koleksyon na makakatulong sa kita ng pamahalaan mula sa kanilang mga nakukumpiska.
Muli namang hinikayat ng Customs ang publiko na sumali sa kanilang mga public auction.
Facebook Comments










