Sekyu na suspek sa pamamaril ng estudyante sa Calamba, patuloy na tinutugis ng PNP

Naglunsad na ng manhunt operation ang PNP-Calamba para madakip ang suspek na bumaril at nakapatay sa isang Grade 7 student sa Castor Alviar National High School, Barangay Masili, Calamba City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si Renan Estrope Valderama alyas Renz Ivan Balderama, 30 hanggang 35 taong gulang, isang security guard.

Si Valderama, na sinasabing bakla ang umano’y kumukupkop sa biktimang si Mark Anthony Andress Miranda, 15 taong gulang, estudyante sa nasabing paaralan, makaraang makulong sa BJMP ang ina ng biktima dahil sa droga.


Base sa imbestigasyon, bandang 12:30 ng tanghali kahapon nang bigla na lang binaril ng dalawang beses ng suspek ang biktima na nasa loob ng isang silid-aralan, gamit ang isang short firearm.

Facebook Comments