Tuesday, April 21, 2026

PNP Negros Occidental, isinailalim sa heightened alert kasunod ng engkwentro na ikinasawi ng 19 na mga rebelde

Isinailalim sa heightened alert status ng Philippine National Police (PNP) ang mga unit ng pulisya sa Negros Occidental kasunod ng armadong engkwentro na ikinasawi ng 19 na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., pangunahing prayoridad ng PNP ang matiyak ang kaligtasan ng komunidad habang nagpapatuloy ang mga operasyon sa Negros Occidental.

Ayon pa sa kaniya, nakikipag-ugnayan na rin sila sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga lokal na pamahaan para agad na manumbalik sa normal na sitwasyon ang mga apektadong lugar.

Nabatid na kasama sa mga nasawi ang pinuno ng nasabing armadong grupo na may kinakaharap na iba pang mga kaso na may kaugnayan sa pagpatay.

Naiulat din na nasa higit 300 residente ang napilitang lumikas dahil sa nasabing sagupaan na nagsimula noong April 18 kung saan patuloy ang evacuation at pagbibigay-tulong sa mga apektadong pamilya.

Tiniyak naman ni Nartatez sa publiko na pananatilihin ng PNP ang kaayusan at pipigilan ang anumang pananakot sa mga lokal na komunidad sa pamamagitan ng malakas na presensya ng kapulisan sa nasabing lugar.

Facebook Comments