Sinimulan ng ilang bayan sa Pangasinan ang paggunita sa ika-33 National Children’s Month noong Lunes, Nobyembre 3.
Sa bayan ng Manaoag, lumahok ang mga bata mula sa 27 Child Development Centers at ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa isang Advocacy Walk bilang suporta sa karapatan at kapakanan ng mga bata.
Samantala, sa bayan ng San Manuel, nagsagawa rin ng parada ang Local Council for the Protection of Children (LCPC) katuwang ang lokal na pamahalaan bilang bahagi ng kick-off ceremony ng selebrasyon.
Ngayong Nobyembre, ipinagdiriwang sa buong bansa ang National Children’s Month na naglalayong palakasin ang kampanya laban sa online sexual abuse at exploitation ng mga bata.
Facebook Comments








