Batay sa abiso saklaw ng tax amnesty ang condonation ng penalties, surcharges at interests para sa mga hindi nabayarang real property tax o amilyar bago ang Hulyo 5, 2024.
Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga may pagkakautang sa amilyar na makapagbayad nang walang karagdagang multa at interes alinsunod sa Republic Act 12001 o Real Property Valuation and Assessment Reform Act.
Pinapayuhan ang mga may-ari ng lupa at iba pang real property na magtungo sa tanggapan ng Local Treasurer upang ma-update ang kanilang tax records at makakuha ng karagdagang impormasyon hinggil sa proseso ng pag-avail ng amnesty.
Pinaaalalahanan din ang publiko na samantalahin ang programa bago ang itinakdang deadline upang maiwasan ang posibleng dagdag na bayarin sa hinaharap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







