MGA MAGSASAKA AT IRRIGATORS SA SAN NICOLAS, NAKATANGGAP NG AQUACULTURE SUPPORT MULA BFAR

Ipinagkaloob sa mga magsasaka at irrigators association ng San Nicolas ang mga fish cages at iba pang kagamitan sa aquaculture mula sa Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR).

‎Mapalalakas umano nito hindi lamang ang produksyon ng isda kundi maging ang karagdagang kita ng mga benepisyaryong samahan sa pamamagitan ng fish cage farming.

‎Bawat asosasyon, nakatanggap ng tig-dalawang collapsible floating fish cages, dalawang set ng feeds mula pre-starter hanggang finisher, at tig-2,700 pirasong Red Tilapia fingerlings kada kulungan.

‎Malaking tulong umano ang proyekto upang mabigyan ng dagdag na mapagkukunan ng kita ang mga miyembro ng irrigators association habang patuloy ding pinauunlad ang sektor ng aquaculture sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments