
Hiniling ni Senator Imee Marcos kay Senate President Alan Peter Cayetano na buksan na ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee para maipagpatuloy ang imbestigasyon sa katiwalian sa flood control projects.
Sa post ng senadora sa kanyang social media account, kinamusta niya tungkol sa isyu si SP Cayetano na naka-tag din sa kanyang post.
Naka-tag din sa post ni Sen. Imee si Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Pia Cayetano sabay himok na imbestigahan ang flood control anomalies.
Kung matatandaan, si Senator Ping Lacson ang namuno sa BRC bago napalitan ang liderato ng Senado.
Ipinanawagan ni Sen. Marcos sa senate president na tanggalin ang aniya’y lahat ng takip sa flood control corruption at ilabas na ang katotohanan.
Nanawagan ang mambabatas na ipatawag ang 18 marines, gayundin si dating Congressman Zaldy Co at ang mga Bersamin.
Ang 18 sundalo na lumabas sa publiko ay nagpakilalang mga dating bodyguards at tauhan ni Co na naging tagahatid ng male-maletang salapi sa bahay umano ni dating House Speaker Martin Romualdez at Pangulong Bongbong Marcos.
Hindi naman idinetalye ni Sen. Marcos kung sino sa mga Bersamin ang pinatutungkulan nito na ipatawag sa pagdinig.










