Sen. Angara, iginiit sa mga magulang ang pagpapabakuna sa kanilang mga anak

26

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara sa mga magulang na huwag nang mag-atubiling pabakunahan ang kani-kanilang mga anak kontra tigdas sa pinakamalalapit na health center.

Diin ni Angara, ang bakuna ang pinakamabisang kalasag ng isang tao lalo na ng mga bata laban sa mga karamdamang tulad ng tigdas at sa mga komplikasyong dulot nito.

Ito ang payo ni Angara sa mga magulang sa harap ng patuloy na pagkalat ng sakit na tigdas na karamihan ay sa mga bata.

Patuloy ding tumataas ang bilang ng mga namamatay sa tigdas na pawang walang anumang rekord ng pagpapabakuna.

Paliwanag ni Angara, ang hindi pagpapahalaga ng mga magulang sa pagpapabakuna ay tiyak na magdudulot ng mas malaking problema kung saan ang mga anak ang maaaring magdusa.

Facebook Comments