
Sinimulan ng Quezon City local government unit (LGU) ang pagsasagawa ng road safety inventory upang matiyak na maayos ang mga kalsada sa panahon ng pagbabalik-eskwela ng mga mag-aaral at pagpasok ng tag-ulan.
Ayon kay Dexter Cardenas, head ng Traffic and Transport Management Department (TTMD) patuloy ang pagsasaayos ng mga kalsada at mga manholes para hindi pagmulan ng traffic ngayong dadagsa ng bilang ng mga mag-aaral sa pagbabalik-eskwela at sa panahon ng papasok na tag-ulan.
Maglalagay din anya ang TTMD ng mga designating loading at unloading area sa malalapit na lugar sa mga paaralan upang hindi kung saan-saan lamang nagbababa at nagsasakay ng mga pasahero lalona ng mga estuyante sa kanilang paaralan.
Pinaigting na ng QC-LGU ang kampanya laban sa mga overloaded na tricycle na naghahatid sundo sa mga estudyante.
Nagpatupad din aniya ang TTMD ng road safety seminar sa pagitan ng TODA, JODA, delivery riders, at MC riders para sa maayos at magkaroon ng disiplina sa pagmamaneho ng mga driver.
May ugnayan din anya ang tanggapan sa mga school bus service para sa maayos na pagtupad ng batas trapiko ngayong pasukan.










