
Tiniyak ng Education Department na magkakaroon na ng sariling medical clinic ang mga pampublikong paaralan sa bansa.
Ito ay para maghatid ng libreng check-up, laboratory test, at gamotsa mga mag-aaral, guro, at mga magulang.
Ayon sa DepEd, katulong nila sa programa ang pribadong healthcare provider at ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Nilinaw naman ng Education Department na walang gagastusin ang DepEd at hindi kakailanganin ng pondo ng mga paaralan para sa proyekto.
Sasagutin kasi ito ng PhilHealth para sa mga rehistradong miyembro.
Facebook Comments










