DRIED FLOWER BOUQUETS, PATOK SA DAGUPAN NITONG MOTHERS DAY

Tinangkilik ng mga mamimili ang ilang tindang dried flower bouquets ng mga vendor na humilera sa bahagi ng St. John the Evangelist Cathedral Church, Dagupan City, kahapon bilang bahagi ng selebrasyon ng Mother’s day.

Ang ilan sa bumili, mas pinili ang tuyong mga bulaklak na ialay sa kanilang mga ina dahil mas matagal umano ito at magagamit pang-display at dekorasyon ng pangmatagalan.

Meron ding mga satin flowers at self-made bouquets na mabibili sa murang halaga na 50 pesos hanggang 150 pesos.

Habang ang mga mas malalaking size ng dried flower bouquets ay nabilbili sa halagang 500 pesos depende sa klase.

Mayroon din iba na sa tradisyunal nagpupunta kung saan fresh na bulaklak ang binili para sa mga ina.

Ngunit sa kabila ng mga bulaklak na ibinibigay natin sa mga ilaw ng tahanan, ang pinakamahalaga umano nilang regalo ay ang lumaking maayos at may takot sa diyos ang mga anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments