
Kinumpirma ni Region 8 Police Director BGen. Jason Capoy, na na-relieve na sa pwesto ang tiyahin ng isa sa mga menor de edad na suspek sa naganap na pamamaril sa loob ng eskwelahan sa Tacloban City kahapon.
Kung saan ito ngayon ay nakarestrictive custody at inihahanda na ang paghain ang administrative investigation sa nasabing policewoman.
Kaugnay nito, lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na ang 40 basyo ng bala na nakuha sa crime scene ay mula lahat sa 9mm glock pistol na inisyu sa tiyahing pulis ng isa sa mga suspek.
Habang ang isang baril naman na ginamit ng isa pang suspek na .38 revolver ay isang beses lang napaputok at napagalaman na mula sa lolo ng nasabing suspek na dating isang security.
Nang tanungin naman kung paano nakapagpalit ng magasin ang isa sa mga suspek sinabi ni Capoy na nadala na rin umano ito sa isang shooting range, hindi man ganun kabihasa ay alam nito kung paano ang pagrelease at pagreload ng magasin.










