
Pinabulaanan ng ilang myembro ng minorya ang nilulutong coup de etat plot laban sa liderato ni Senate President Alan Peter Cayetano.
Sinabi ni Senator Raffy Tulfo na nagpulong lamang silang mga taga minorya kahapon bago mag-sesyon na tumapat naman sa panahon na naging maugong ang kudeta laban sa senate leadership.
Paglilinaw ni Tulfo na wala silang usapan ukol sa kudeta at ang napagusapan ng minorya kahapon ay tungkol lamang sa mga estratehiya at pag-aaral sa articles of impeachment gayundin sa committees na maaaring mawala mula nang magpalit ng liderato.
Binigyang-diin pa ng senador na mas mainam na magtrabaho na muna silang lahat at saka na lamang ang tungkol sa usapin ng kudeta.
Punto pa ni Sen. Raffy na manipis ang kasalukuyang majority bloc na sumusuporta kay Cayetano dahil 13 ang majority habang 11 na sila sa minority.
Tiniyak din ng mambabatas na hindi siya kakalas sa minority bloc kahit anong mangyari at kahit pa tanggalan na siya ng chairmanship sa mga komite.










