Thursday, May 21, 2026

11 mobile medical laboratories para sa mga field units sa buong bansa, tinanggap ng Philippine ARMY

Tinanggap ng Philippine Army ang 11 bagong Mobile Medical Laboratories para sa mga field units nito sa buong bansa sa isinagawang Turnover Ceremony noong May 20 sa Headquarters ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Naging posible ang nasabing donasyon sa pamamagitan ng Lab for All Program ni First Lady Louise Araneta-Marcos at sa partnership sa Robinsons Land Foundation Inc..

Kung saan personal na tinanggap ni Army Commanding General Lt. Gen. Antonio G. Nafarrete ang nasabing mga donasyon.

Ang nasabing mga mobile medical labs ay makakatulong ng malaki sa kapakanan at serbisyo ng mga kasundaluhan at sa mga komunidad na pinagsisilbihan ng mga ito.

Binigyang-diin ni Nafarrete, na ang patuloy na suporta sa Philippine Army ay magbibigay inspirasyon sa mga tropa na manatiling nakatuon sa kanilang mga misyon, pagpapalakas ng kanilang kakayahan at pagpapalawig ng kanilang pagtulong sa publiko.

Facebook Comments