Senador, may hiling sa referral system ng DOJ at DSWD

Pinatitiyak ni Senator Christopher “Bong” Go na magiging mabilis, transparent at politics-free ang pamamahagi ng tulong sa mga Pilipino sa ilalim ng referral system ng Department of Justice (DOJ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa referral system, ang mga indibidwal na hihingi ng tulong legal sa DOJ ay maaaring maka-access na rin sa pinansyal, medikal at psychosocial support mula sa DSWD.

Hiniling ni Go na matiyak na ang sistema ay magiging maayos at walang palakasan para matiyak na mapupunta ang tulong sa tunay na nangangailangan.

Hirit ng senador, huwag gamitin sa pamumulitika ang pagbibigay ng tulong tulad ng pagtatanong kung sino ang kaalyado o sinusuportahan.

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga biktima ng krimen, pang-aabuso, at iba pang krisis na tinutulungan ng DOJ ay maaaring makahingi ng tulong na financial o psychosocial assistance sa DSWD gaya na lamang ng therapy, medical aid, financial assistance para sa case filing at kahit funeral aid sa ilang mga kaso.

Facebook Comments