
Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa pamahalaan na paghandaan na ang posibleng pagbabalik bansa ng mga Filipino immigrants mula sa Estados Unidos.
Bunsod na rin ito ng kautusan ng Trump administration na i-deport ang mga illegal immigrants sa US.
Ipinunto ni Hontiveros na may obligasyon ang gobyerno na protektahan ang lahat ng mga Pilipino saan mang panig ng mundo at handang tanggapin at suportahan sila sa pagbabalik-bansa.
Nanawagan din ang mambabatas sa embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos at sa mga konsulado na paglaanan ng sapat na budget ang repatriation ng mga kababayan sa ilalim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW).
Umapela si Hontiveros sa pamahalaan na huwag pabayaan ang mga kababayang naiipit sa immigrant crackdown sa Amerika at tulungan silang igiit ang kanilang karapatan at mga remedyo na pwedeng gawin sa ilalim ng US immigration laws.