Monday, November 2, 2026

FPRRD, no show sa huling status conference ng ICC

Screenshot from IntlCriminalCourt/YouTube

Sinimulan na ng International Criminal Court (ICC) ang ika-lima at huling status conference para sa kasong crimes against humanity ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Lunes, Nobyembre 2.

Hindi dumalo ang dating pangulo sa pagdinig.

Kabilang sa mga tatalakayin ang iskedyul ng paglilitis, listahan ng mga testigo, at oras na ilalaan sa presentasyon ng ebidensya ng prosekusyon.

Pag-uusapan din ang paraan ng pag testigo ng mga saksi, proteksyon sa mga ito at iba pang usapin sa seguridad.

Layunin ng conference na ayusin ang mga natitirang detalye bago simulan ang paglilitis sa kaso ni Duterte.

Chzianelle Salazar, RMN Manila

Facebook Comments