Kamara, tiyak ang suporta sa AFP modernization

Tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang buong suporta ng Mababang Kapulungan sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Inihayag ito ni Romualdez sa kanyang pagdalo kamakailan sa demonstrasyon ng kapabilidad ng Philippine Navy sa San Antonio, Zambales kasama si Pangulong Bongbong Marcos.

Pangako ni Romualdez, mahigpit na makikipagtulungan ang Kamara sa Marcos administration para makamit ang layunin ng AFP Modernization Program.


Diin ni Romualdez, kailangan ang dagdag na kapabilidad at kagamitan ng Sandatahang Lakas, lalo na ang Philippine Navy para mas maprotektahan nito ang mamamayang Pilipino at maipagtanggol ang integridad at soberanya ng bansa.

Facebook Comments