Senator Leila de Lima, nagpasalamat sa patuloy na natatanggap na suporta

Sa kabila ng hindi niya pagdalo nang pisikal sa mga campaign rally ay patuloy na nagpapasalamat si Senator Leila de Lima sa natatanggap nitong suporta mula sa publiko.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si atty. Dino de Leon, marami ang naniniwala sa integridad at pagiging inosente ng senadora kahit na pilit itong sinisira ng kasalukuyang administrasyon.

Hanga rin daw ang mga tao kay de Lima dahil kahit anong subok ng mga ito na patahimikin siya ay mas naniniwala ang mga tao na imbento lamang ang mga ibinabato sa kaniyang kaso.


Sabi pa ni de Leon, hindi maglalabas ng opinyon ang United Nations Working Group on Arbitrary Detention kung hindi gawa-gawa ang mga kaso laban sa senador.

Samantala, matatandaang noong nakaraang taon lamang ay siyam na senador sa Estados Unidos ang naghain ng US Senate Resolution na kumokondena sa pagkakakulong sa mga women rights defenders at mga mamamahayag at ipinanawagan din nila ang pagpapalaya kay de Lima.

Facebook Comments