Friday, October 23, 2026

OSG, sinusuri ang 12 magkakahiwalay na opinyon ng mga mahistrado sa unprogrammed appropriations

Maingat na sinusuri ng Office of the Solicitor General (OSG) ang 12 magkakahiwalay na opinyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema kaugnay ng desisyon sa unprogrammed appropriations.

Ayon kay Solicitor General Darlene Berberabe, ipinakikita ng mga opinyon ang magkakaibang pananaw ng mga mahistrado sa mga usaping konstitusyonal.

Magsisilbi ring batayan ang pagsusuri sa pagtukoy ng susunod na hakbang ng OSG.

Layunin aniya ng tanggapan na matiyak na naaayon sa Konstitusyon ang mga patakaran sa paggastos ng pondo ng bayan, habang iginagalang ang kapangyarihan ng Kongreso at ehekutibo.

Facebook Comments