Wednesday, October 21, 2026

OSG, maghahain ng motion for reconsideration sa SC ruling sa unprogrammed appropriations ayon sa palasyo

Maghahain ng motion for reconsideration ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema upang hilinging repasuhin ang desisyon nitong unconstitutional ang paggamit ng unprogrammed appropriations sa 2024 at 2025 national budget.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, naninindigan ang administrasyon na walang nilabag na batas o probisyon ng Konstitusyon sa paggamit ng naturang pondo.

Iginiit ni Castro na sinunod lamang ng pamahalaan ang mga prosesong nakasaad sa batas.

Sa pamamagitan ng motion for reconsideration, hihilingin ng OSG sa Korte Suprema na muling suriin ang naging desisyon nito.

Facebook Comments