
Muling tumaas ang naitatalang kaso ng dengue sa lungsod ng Maynila kung saan umaabot na ang bilang nito sa 4,048.
Base sa datos ng Manila Health Department (MHD), nadagdagan ng 31 na bagong pasyente ang tinamaan ng nasabing sakit.
Ang mga naturang pasyente ay patuloy na minomonitor ng MHD ang kalagayan at karamihan sa kanila ay nananatili sila sa anim na hospital na hawak ng Manila LGU.
Muling paalala ng MHD sa mga nakakaranas ng sintomas ng dengue na agad na magpakonsulta sa mga health centers upang maiwasan na lumala ang sakit.
Sa datos mula pa sa MHD, umaktay na rin sa 1,648 ang kaso ng leptospirosis habang nasa 2,508 ang naitalang kaso ng influenza-like illness, 525 ang may severe acute respiratory infection at 106 na ang bilang ng nagka-Covid 19.










