Senator Padilla, nanawagan ng kapayapaan sa paggunita ng ‘Eid al Adha’

62

Iginiit ni Senator Robin Padilla na wala nang lugar para sa karahasan ngayon at sa halip ay dapat magkaisa ang mga Pilipino para sa kapayapaan.

Ito ang naging mensahe ni Padilla, na ang pangalang Muslim ay Abdul Aziz, para sa paggunita ng “Eid al Adha” ngayong Sabado.

Diin ni Padilla, responsibilidad ng lahat ng Pilipino na tuparin ang pangarap natin para sa kapayapaan na dapat ay para sa lahat, Muslim man o Kristyano, Hudyo o Lumad at.


Ipinaalala din ni Padilla na dapat ay ipakita sa Muslim at hindi Muslim ang pagmamahal sa buhay sapagkat ang Islam ay pagmamahal sa kapwa, kapayapaan, at pag-ibig.

Mga pahayag ito ni Padilla sa kanyang pangunguna sa paggunita ng ‘Eid al Adha’ sa Quezon City Police District headquarters sa Camp Karingal ngayong araw.

Facebook Comments