
Magdadala ng mas pinalapit na serbisyo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) Revenue District No. 4 – Central Pangasinan sa mga residente ng San Carlos City sa pamamagitan ng isang one-day service caravan sa Hulyo 8, 2026.
Isasagawa ang aktibidad sa San Carlos City Business One Stop Shop mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon upang mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makapag-avail ng iba’t ibang serbisyo ng BIR nang hindi na kinakailangang bumiyahe sa tanggapan ng ahensya.
Kabilang sa mga serbisyong ihahandog ang aplikasyon para sa Taxpayer Identification Number (TIN), pagkuha ng Digital TIN ID, business registration, at iba pang kaugnay na serbisyo ng BIR.
Pinapayuhan ang mga aplikante na magdala ng dalawang valid ID at kopya ng kanilang birth certificate bilang bahagi ng mga kinakailangang dokumento sa pagproseso ng kanilang aplikasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










