
Hindi lamang tulong pinansyal ang natanggap ng 1,300 solo parents sa Dagupan City sa isinagawang pamamahagi ng kanilang second quarter monthly cash subsidy nitong Lunes, kundi maging iba pang serbisyong pangkalusugan at suporta para sa kanilang pamilya.
Kasabay ng payout, nagsagawa rin ang City Health Office ng pagpaparehistro para sa YAKAP at GAMOT Program ng PhilHealth upang mabigyan ng pagkakataon ang mga solo parent na makinabang sa libreng gamot na nagkakahalaga ng hanggang ₱20,000.
Dagdag rin naipamahagi ang iba’t ibang pangunahing pangangailangan sa bahay tulad ng toyo, suka, bleach, fabric conditioner, laundry powder, at sabon. Nagkaroon din ng cook fest at dance contest bilang bahagi ng programa, kung saan nagsilbing hurado ang mga kinatawan ng pribadong sektor at akademya.
Nakiisa sa aktibidad ang City Social Welfare and Development Office, City Treasurer’s Office, Public Order and Safety Office, at ang Solo Parent Focal Person upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng benepisyo sa mga kwalipikadong solo parent. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










