
Mas pinaigting ng City Veterinary Office ng San Carlos City ang kampanya nito laban sa rabies sa pamamagitan ng pagsasagawa ng libreng anti-rabies vaccination para sa mga alagang aso at pusa sa iba’t ibang barangay.
Hinikayat ng City Veterinary Office ang mga pet owner na ihanda ang kanilang mga alagang aso at pusa sa itinakdang araw ng pagbabakuna sa kanilang barangay upang matiyak na mabibigyan ang mga ito ng kinakailangang proteksiyon.
Patuloy rin nitong isinusulong ang responsableng pag-aalaga ng mga hayop bilang bahagi ng pagpapanatili ng isang malusog at ligtas na lungsod.
Binigyang-diin ng City Veterinary Office na sa sama-samang pagkilos ng mamamayan, maisusulong ang layuning magkaroon ng isang ligtas, maunlad, at maayos na San Carlos City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










