Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disability Rights Week, mahigit 200 Special Needs Education (SPED) learners mula sa West Central Elementary School I at North Central Elementary School ang lumahok sa SAFEnet Art Workshop na isinagawa sa Dagupan City.
Layunin ng aktibidad na maipakita ang talento, pagkamalikhain, at kakayahan ng mga batang may espesyal na pangangailangan sa pamamagitan ng sining, habang isinusulong ang inklusibong komunidad para sa lahat.
Patuloy na isinusulong ng pamahalaang lokal ang mga programang nagbibigay ng pantay na oportunidad at pagkilala sa kakayahan ng mga persons with disabilities, lalo na ng mga batang may espesyal na pangangailangan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, layunin ng lungsod na makabuo ng isang komunidad kung saan walang batang naiiwan at bawat isa ay nararamdamang mahalaga, tanggap, at kabilang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










