Saturday, June 13, 2026

Pagbalangkas sa pinal na bersyon ng CADENA Bill, sinimulan ng House ICT Committee

Sinimulan na ng House Committee on Information and Communications Technology (ICT) ang konsolidasyon ng 29 na mga panukalang batas para makabuo ng pinal na bersyon ng Digital Budget o Citizen Access and Disclosure of Expenditures for National Accountability (CADENA) Bill.

Ayon sa Chairman ng komite na si Camarines Sur 5th District Rep. Miguel Luis Villafuerte, layunin ng CADENA Bill na mapalakas ang pagsusulong sa transparency at accountability sa paggamit ng pondo ng bayan upang malabanan ang korapsyon.

Sa ilalim ng panukala ay itatatag ang isang official digital budget portal kung saan nakasaad ang lahat ng impormasyon ng lahat ng mga transaksyon ng gobyerno na sangkot ang pondo ng bayan.

Inaatasan ng panukala ang lahat ng national government agencies at government-owned or controlled corporations na i-upload online para makita ng mamamayan ang detalyadong budget-related documents ng kanilang mga proyekto o programa.

Batay sa panukala, papatawan ng parusang kriminal at administratibo ang mga opisyal ng gobyerno na hindi magsasapubliko sa nabanggit na mga dokumento o impormasyon.

Facebook Comments