Short term solutions sa transport system ng Metro Manila, inilitag ni DOTr Sec. Dizon

Naglatag ng ilang short term solutions sa transport system ng Metro Manila si Department of Transportation o DOTr Secretary Vince Dizon.

Ayon kay Dizon, isa sa mga nakikita niyang solusyon ay ang pagkakaroon ng dispatch system sa mga bus kung saan may oras ang pagbaba at pagsakay ng mga pasehro para maiwasan ang traffic sa busway.

Pangalawa, dapat pag-aaralan ang carrying capacity ng mga rail transit at kung makikitang hindi sapat ang mga bagon ng tren tuwing rush hour, ay kailangang dagdagan ito.

Sisilipin din ni Dizon ang estado ng EDSA Greenways para sa mga walking commuter na pinondohan ng Asian Development Bank, gayundin ang pagkakaroon river system tulad ng Pasig River Ferry.

Giit ni Dizon, naiintindihan niya ang kalbaryong dinaranas ng mga commuter sa Metro Manila kaya importante aniyang maipatupad ang short term solutions para maibsan ang hirap na dinaranas ng mga ito.

Facebook Comments