
Aminado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi epektibo ang SIM Card Registration Act kontra Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at iba pang scamming activities.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, hindi kasi naka-link o integrated ang national ID system sa mga telecommunication companies kaya naglilipana ang scammers.
Ibig sabihin aniya, walang national ID ang konektado sa sim card registration.
Kaya naman ang nangyayari, sa bawat isang tao ay pwede itong magtaglay ng kahit hanggang 100 sim card, na pwedeng gamitin sa panloloko.
Taong 2022 nang maisabatas ang RA 11934 o sim registration para mapigilan ang mga krimen gamit ang celphone sa pamamagitan ng text o online, pero hanggang sa kasalukuyan ay talamak pa rin ang online scams.