Wednesday, May 6, 2026

Pahayag ni VP Sara tungkol sa 2028 polls, intriga lamang ayon sa Palasyo

Iginiit ng Malacañang na walang basehan at intriga lamang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na ipinagdarasal nitong matuloy at maging payapa ang halalan sa 2028.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tila biro ang pahayag ng bise presidente ang habang sinasagot ang tanong sa Netherlands.

Bilang abogado, dapat alam aniya ni VP Sara ang malinaw na probisyon ng Konstitusyon hinggil sa regular na halalan.

Kinumpara rin ni Castro ang bise presidente sa kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na umaming eksperto umano sa paglikha ng intriga at pagplanta ng ebidensya.

Kaugnay nito, binigyang diin ng Palasyo na mas inuuna ngayon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagresponde sa epekto ng krisis sa Middle East, kabilang ang mga pulong ng UPLIFT Committee at Economic Briefing Cluster para sa kapakanan ng mga Pilipino at hindi ang pulitika.

Facebook Comments