Wednesday, May 20, 2026

BINI, binigyang-pagkilala sa Senado

Binigyang pagkilala at pinarangalan sa Senado ang sikat na P-pop girl group na BINI.

Ngayong hapon ay nagtungo sa Mataas na Kapulungan ang mga BINI members na sina Aiah, Maloi, Jhoanna, Mikha, Colet, Gwen, Sheena at Stacey para personal na tanggapin ang parangal sa kanila ng mga senador.

Inisponsoran kanina sa plenaryo ni Senator Bam Aquino ang Senate Resolution 370 na nagbibigay pagkilala sa BINI dahil sa pagiging pride at inspirasyon ng mga ito hindi lamang sa loob kundi pati sa labas ng bansa at pagpapasigla rin sa original Pinoy music.

Tinukoy rin sa resolusyon ang karangalang dala ng BINI sa Pilipinas bilang kauna-unahang Filipino act na makapag-perform sa isang global music festival na Coachella noong Abril.

Bukod sa mga empleyadong fans sa Senado, hindi rin nagpahuli ang mga senador na magpakuha ng larawan kasama ang mga myembro ng BINI.

Facebook Comments