SITE INSPECTION SA ITATAYONG SLAUGHTERHOUSE SA SAN NICOLAS, SINIMULAN NA

Nagsagawa ng site inspection ang mga lokal na opisyal sa San Nicolas, Pangasinan sa iminumungkahing lokasyon ng Municipal Slaughterhouse.

Ayon sa ulat, sinuri ang kondisyon ng lugar bago ang pagpapatupad ng proyekto. Kasama sa tinignan ay ang kahandaan ng site para sa nakatakdang implementasyon.

Ayon sa mga opisyal, ang Municipal Slaughterhouse ay inaasahang magsisilbing pasilidad para sa pagpoproseso ng karne sa oras na makumpleto ang proyekto.

Lumahok sa site inspection ang mga kinatawan ng lokal at pambansang pamahalaan, mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga opisyal ng barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments