HOT MEALS ON WHEELS, TULOY SA SAN CARLOS CITY PARA SA MGA APEKTADO NG HABAGAT

Patuloy ang paghahatid ng mainit na pagkain sa mga residenteng lubos na apektado ng Southwest Monsoon o Habagat sa San Carlos City.
‎‎Isinasagawa ng lokal na pamahalaan ang Hot Meals on Wheels Program bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga pamilyang nakararanas ng epekto ng pagbaha.

‎Patuloy naman ang pagtaas ng tubig sa ilang lugar na malapit sa Agno River at mga dike, bunsod ng pagtaas ng lebel ng tubig sa ilog mula sa upstream o itaas na bahagi ng Agno River.

‎Ang ilang pamilya ay inilikas na sa evacuation centers at patuloy na inaalagaan ng kani-kanilang barangay at ng lokal na pamahalaan.

‎Patuloy namang nakaantabay ang mga awtoridad sa sitwasyon habang nagpapatuloy ang pag-ulan at pagtaas ng tubig sa mga apektadong lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments